Sunday, September 23, 2012

Eulogy

Walang dumadating na oras sa buhay ng isang tao na masasabi nyang handa na syang magpaalam sa minamahal nya sa buhay. Lahat ng tao dito kilala si mommy dahil sa napakalaki nyang puso. para kay mommy, walang mahirap, walang mayaman, walang lamang kahit kanino, lahat magkakapantay. lahat ng tao kinakikitaan nya ng kabutihan. kung kaya naman madali siyang natututunang mahalin ng mga tao sa paligid nya. Si mommy na nagbibigay liwanag sa lahat ng tao at sa unang kita nyo ng kanyang ngiti lahat ng problema nyo ay tila nawawala. At gusto ni mommy laging nakangiti kahit madaming hinaharap na problema sa araw-araw. Si mommy na mapagbigay sa lahat ng tao at kahit kailan wala siyang pingdamot na khit ano. maswerte kaming mga apo nya dahil naramdaman namin lahat ng pagmamahal niya. sa sarili nyang mga pamamaraan ay napalaki nya kami na maging katulad nya, mabait, mapagbigay masiyahin at higit sa lahat may takot sa diyos. wala kaming maalalang pagkakataon na hindi nya kami sinuportahan, mula sa unang hakbang hanggang sa araw na ikasal at nagkaroon na kami ng mga sariling pamilya. Mommy, salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin, sa walang katapusan na pagmamahal sa amin, at sa pagsupporta. lagi kayong nandyan palagi para gabayan kami sa bawat hakbang ng aming buhay. malungkot man kami ngayon dahil iniwan mo na kami ay alam namin andito ka lagi sa tabi ng bawat isa sa amin patuloy pa din gagabay sa kung ano man ang dumating. alam namin masaya ka na dyan sa langit kasama si daddy at gusto mo din masaya kami dito. mahirap, pero gagawin namin para sayo. maswerte ang langit dahil magkakaron sila ng mommy na tulad mo. hinding hindi ka namin makakalimutan at araw araw ka namin maaalala. Nandito ka palgi sa aming puso at isipan. mahal na mahal ka namin mommy at mamimiss ka naming lahat. paalam sa ngayon, hanggang sa magkita tayo muli.. 
-Sa lahat ng apo

-RJM<3

Saturday, September 22, 2012

You'll always be in my heart Mommy, I love you!

Hndi ko alam kung paano ko uumpisahan to.. Sobrang sakit para sa akin dahil hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na wla na ang pinkamamahal kong lola. Pinapakita ko sa ibang tao at pinipilit ngumiti sa harapan nla pro ang totoo, sobrang sobra akong dinudurgo sa loob. Ang sakit dahil, hindi man lang ako makakauwi sa araw ng libing niya. Hindi ko alam gagwin ko at hindi ako mpakale dto sa america. Sna magkalapit na lang ang america at pilipinas.. Gustong-gusto ko makita ang mommy ko, bago siya dalhin sa huling hantungan.. Kahit na sa skype ko lng nkkita, iba pa din ung nandun ako. Gusto ko, makita at nandun ako ng personal. Yun na lang tlga ung wish ko pra sa birthday ko na, makasama ako sa paghatid sa knya sa araw ng birthday ko. Pro alam ko naman na, malabo mangyri un.. Hindi ko inaakala na, yung huling uwi namin nung March, un na ung huli ko siya makkita, makakasama, mayayakap, mahahalikan at masasabhin ng I love you Mommy. Yun na yta ung pinakamasayang huling uwi namin, dahil nagkakasama lahat ng magkakapatid cla papa, tita remy tito rey, tita rose, tita ruby, tito george at tito olan. Walang cnu man ang gusto ang mwala ang pinkamamahal nila sa buhay. Ang dami-dami kong pang gustong sabhin sau mommy tapos di ba nagpromise ako sau babalik ako ulit sa pilipinas at pipilitin ko cla mama na mag-aral dyan at sa bhay mo ako titira. Kaso hindi ako natuloy magcollege sa pilipinas, pero sinabi ko sa sarili ko hndi ko sisirain ung promise ko at babalik ako sa baksyon ko para mas mahaba ung panahon ko pra mkasama ko si mommy at mga pinsan ko. Alam mo ba mommy yung pagplano ko na umuwi next year sa  pilipinas may gusto na akong ipakilala sayo, yung mtgal mo ng pinapangarap para sa akin ang lalaking magmamahal sa akin ng sobra at hindi ako sasaktan. Naalala ko noon, pagtumtwag kami dyan sa pilipinas, lagi mong tinatanong "kelan ka ba mgbboyfriend nel? akong bahala sayo, alam mo naman si mommy konsitadora!" Mommy, mamimiss ko kayo sobrang sobra! Paguwi ko sa may, iba na wala na yung lola ko na alagang-alaga kami na lagi kming tinatanong "Ano gusto mong ulam nel? Kaldereta, yung maanghang o Tocino?" Walang patid sa pagtanong na anong gusto namin kainin, lalo na pag-meryenda na, "Anong gusto mo nel, egg pie o lugaw?" Kahit ano ggawin ni mommy para sa amin, makita lang kmeng msaya.. Kaya lahat ng tao, mahal na mahal cya eh kasi siya na yata ang pinakamabait na tao na makikilala mo. Lahat sa kanya, pantay-pantay at lagi mo syang mkkitang nakangiti. Si mommy na mapagbigay at mapagmahal.. Mamimiss ko yung lagi mo akong kinkwentuhan sa mga nangyri sau umpisa nung bata ka hnggang sa nagpakasal kayo ni daddy. Mamimiss ko yung pagsinsabhin nyo ako ng I love you nel! Yung mga mahihigpit mong yakap mamimiss ko din. Mommy, hindi ko po babaliin ang promise ko sa inyo uuwi po ako ng may para makita ko po kayo pero ngayon ksama nyo na si daddy na dadalawin ko. Hayy.. :'( Sana isa na lang tong msamang panaginip, pero kailangan kong tanggapin. Alam ko magagalit kau sa akin mommy, kse malungkot ako pero alam mo naman na pinipilit ko maging msaya pra sa inyo. Baka, sabhin nyo lang ako ng "anak ng damokal ka!" pati din cla ate joy, ate pepot at cla manel pati cla papa, tita remy. Kayo ang pinakamasayahing lola namin! Kaya nga mana kami sa inyo mommy eh, wala din kme ginwa kung hindi tumwa ng tumwa at cympre magpose ng magpose sa mga pictures. Yun ung signature ng mga Morales di ba? Mga baliw lang! Wag po kaung magalala mommy, onti-onti ko din matatanggap pero hndi pa ngayon. Alam ko kung gaano ka kasaya ngayon kasi, magkasama na kayo ni daddy tyka alam namin na okay ka na at hindi ka na nahihirapan. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO MOMMY AT MAMIMISS KO PO KAYO SOBRANG SOBRA! AT LAGI KAYONG NASA ISIPAN KO AT SA PUSO KO. May you rest in peace mommy. :'*

-RJM<3

Tuesday, August 14, 2012

My Precious Room ♥

Since I'm bored and I didn't work for 2 days, I decided to share my precious room!! :) My room would be filled with pictures and hello kitty. Most of my stuff are pink, blue and red (i guess). Hahahaha. I know! I know! Too much girly!! Oh well, here it is..

Bubble gum machine, Water dispenser,
Hello kitty, Panda, Zebra dog, Minion, 
Monster doll, Teddy bear, Precious Moments Collection
and 
Katy Perry posters.

What I call my SCRAPCLOSET! :)) 
Pictures with the people I love the most. ♥♥♥

Gotta love my bed!! ;) 
Care bears, Heart pillow, 
Domo (Conan), Hello Kitty pillow
and 
Pictures of me in the wall. 

You can never ever forget the pink curtains! :))

Flower lights, Mini hello kitty fridge, 
Hello kitty clock, Hello kitty coasters, 
and Mini alter.
Oh! By the way, RJ stands for Ramona Janel. Yuppp! My name! ;)

-RJM<3

Saturday, August 11, 2012

Cheers to her!! :)


Saying a happy birthday to my dearest sister. :) She would be the best sister, everrr!! You know how much I love you and I'm always here for you. (You're assistant fake nurse! Hahaha.) Thank you for everything! :)


 A massage gift card from me 
and a pf changs gift card from mama. 

Lastly!! She got a macbook pro from kuya. :D 
Ikaw na! Kayo na talaga! Hahaha. 
You deserve it ate. <3



-RJM<3

Sunday, July 15, 2012

Y and P equals L.

This is it!! Waaaaaaahhhhhhh! Today is my beb's birthday! :) Super duper ultimate to the extreme to the max excited na ako makuha niya yung gift ko para sa kanya!! Super thanks to my friends Abby, Aly and Dwight for helping me. :D Sana magustuhan niya! :''> Gusto ko makita yung reaction niya, I swear!! Hahahaha.

Mahal na mahal na mahal kita! Sobra!
Happy Birthday Tiger ko! :*

RJM<3

Saturday, July 14, 2012

Starstruckk

2 days in wisconsin with my family was... PRICELESS! I had mucho fun with them even though, we didn't stayed longer. Ohhh, well!!
(my 1st time driving from dp to wisconsin! hollarrr! hahaha.)

(I love this game!! I got way too excited when I saw it!
Cuz this game was only in the philippines "timezone'')

(Being dorks with them! ;])

(Me and my sissy. :*)

(Ofcourse! Deff. the highlight of this trip because
my mom, went with us in the hurricane slide and it was
way too high and scary. Ohhh mom, that's why
I love you!! you're crazy like me! Hahahaha.)

(Jet boat with broo!!)

(Tearssss! Last day in wisconsin.)

(Lastly, beating my brother in basketball!! WINNING! :D
He got 120 and I got 215! I just love basketball, that's all.)

Imma' miss wisconsin yo! yo! yo! :))))

RJM<3