Thursday, June 2, 2011

It's not a goodbye but, we'll see you soon. :')

Itong araw na to ay hinanda namin para sa isa naming minamahal na kaibigan na si Lia, isang bonggang-bongga party para sa kanya. Aalis na kasi siya patungong California. Nalaman lang din ng buong barkada nung last week at lahat kami nagulat sa balitang narinig namin at, biglaan lang talaga ang pag-aalis nila. Gusto kasi ng daddy niya na, lumipat na sa California dahil ayaw na ng daddy niya nung weather dito sa Chicago. Kaya, kahit may pasok ako at si Camille dahil kami lang naman ang juniors sa buong barkada talagang pumunta ako para sa last na party na sama-sama kami. Kumain ng super dami at tumawa ng to the max halos hindi na kami makahinga kakatawa. At siympre, hindi mawawala ang halos, isang milyong pictures! Hahaha. Bingyan din namin si Lia ng isang malaking pabaon, para sa pagtungo niya sa California isang malaking letter na lahat kami nagsulat. Itong barkada namin, kahit na mostly sa kanila graduate na ng high school at si Lia nasa California na wala pa din magbabago sa aming samahan. Parang ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang nagkakilala lang kami sa party ni Alyssa tapos ngayon magkakahiwalay-hiwalay na kami. Pero, alam ko naman na mabubuo din kami, in the future. Love na love ko tong barkada ko, super baliw to the max lang kami. I wish you all the best Lia and Goodluck dyan sa California facebook-facebook na lang. Super love ka namin. Barkadang walang katulad!! <3








-RJM<3

No comments:

Post a Comment